![]() Panahon naman para ako ang tumulong sa kanila. ![]() Ang katwiran ko, tulung-tulong akong pinalaki ng mga kamag-anak ko. Apat na henerasyon kaming nakatira sa iisang bahay.) Hindi ko minamasama ang pakikibahagi sa responsibilidad. (Sa totoo lang, gusto ko na siyang bansagang Ursula Iguaran. O iyon ang nais iparating sa akin ng nanay niya, ang tiyahin ko, nang minsang maningil ako ng pambayad sa tubig. Kahit kasukob pa rin namin siya sa iisang bubong, hindi na rin namin siya puwedeng obligahin pa. Ang pinsan namang sumunod sa akin, bumuo na ng sariling pamilya. Gaya ko noon, hiwalay rin ang mga magulang nila, at mga matatanda namin ang umakong magpalaki. Nasa liyebo sitenta na ang edad ng lolo at lola. ![]() ![]() Bagaman nag-aabot sila paminsan-minsan, mahirap namang obligahin pa sila para sa pang-matrikula ng mga pamangkin nila. Ang tatay ko-na nagkasakit bago umalis ng bansa at ako ang nagpagamot-ay may sariling pamilya na rin. Nasa ibang bansa ang nanay ko, may sarili nang pamilya. Bilang panganay sa magpipinsan, isa ako sa mga inaasahan. LitWit Challenge 2.10: The story of your life ”ġ.
0 Comments
Leave a Reply. |